Transportasyon sa Pilipinas

Mula itaas, kaliwa-pakanan: Daang Maharlika sa Barangay Cutcot, Pulilan, Bulacan; Isang dyipni at bus sa Maynila; Isang nakahintong tren ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) sa estasyong Sucat; Isang bangka sa Basey, Samar; Cataraman ferry ng 2GO Travel sa Ilog Iloilo, Lungsod ng Iloilo, papuntang Bacolod; Isang eroplano ng Cebu Pacific sa Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu; Mga traysikel sa Boac, Marinduque; Isang kalesa sa Maynila

Ang transportasyon sa Pilipinas ay hindi pa gaanong maunlad, dahil sa mga sumusunod na dahilan: mga buludunduking lugar sa bansa at mga nakakalat na mga pulo, at ang patuloy na hindi paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa mga imprastrakturang pantransportasyon ng bansa. Subalit sa mga nakalipas na taon, ang pamahalaan ay sumisikip upang maipaganda ang sistema ng transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng mga iba't-ibang proyektong pang-imprastrasktura.[1]

Ang mga dyipni ah ah ay pinakatampok na anyo ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, at naging simbololo ang mga ito ng kultura ng bansa.[2] Isa pang tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ay ang de-motor na traysikel; mas-pangkaraniwan ang mga ito sa mga pook-rural.[3] Sa mga nakalipas na taon, nagiging tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ang mga daambakal sa bansa, lalo na sa maabalang kalakhan ng Kamaynilaan. May tatlong pangunahing sistema ng daambakal sa Pilipinas: ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 1 at Linya 2, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 3, at ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (o PNR). Ang dalawang sistema na unang binanggit ay nagsisilbi lamang sa Kamaynilaan, samantala ang PNR ay sumisilbi sa Kamaynilaan at sa ilang bahagi ng Luzon. Mayrun ding dong dantes mga lokobbbbmotorang singaw(aray) (steam engines) na matatagpuan sa Kabisayaan na gumagana sa mga gilingan ng tubo tulad ng Central Azucarera. Ang mga taksi at bus ay mga mahalaga ring anyo ng pampublikong transportasyon sa mga pook-urban ng bansa.

May labindalawang (12) paliparang pandaigdig ang Pilipinas, at may higit sa dalawampung (20) paliparang panloob na sumisilbi sa bansa.[4] Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (o NAIA) ay ang pangunahing pasukan sa Pilipinas.

  1. "Government keen on improving public transport system". Philstar. Nakuha noong 2013-01-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lema, Karen (20 Nobyembre 2007). "Manila's jeepney pioneer fears the end of the road". Reuters. Nakuha noong 27 Pebrero 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. William C. Pollard, Jr. (1 Nobyembre 2010). "email to Lonely Planet". Boracay Budget Travel website. p. 2. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 30 Hunyo 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Airports in the Philippines". World Aero Data. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 27 Mayo 2016. Nakuha noong 05 Hunyo 2016. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search